-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ng Makati Regional Trial Court ang pag-aresto kay Representative Leandro Leviste dahil sa umano’y paglabag nito sa probisyon ng Public Service Act.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, agad na makikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Bureau of Immigration (BI) upang alamin ang opisyal na status at kinaroroonan ng kinatawan para sa pagpapatupad ng huli.

Huling naitala na nasa bansang Pransya si Leviste kasama ang kaniyang inang si Senador Loren Legarda, na kasalukuyang nagpapagamot sa naturang lugar.

Inaasahang maglalabas ng opisyal na pahayag ang kampo ng mambabatas ukol sa legal na hakbang na kanilang gagawin upang tugunan ang nasabing utos ng korte.

Patuloy namang binabantayan ng NBI ang pagpasok at paglabas sa bansa ng solon upang tiyakin ang maayos na pagsisilbi ng warrant of arrest sa sandaling bumalik ito sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --