Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kahandaan ng Pilipinas at Poland na masimulan ang mga negosasyon sa extradition agreement.
Ayon sa Punong Ehekutibo, umuusad na ngayon ang legal cooperation ng Pilipinas at Poland matapos ang paglagda sa kasunduan sa paglipat ng mga nahatulang bilanggo at sa Mutual Legal Assistance in Criminal Matters.
Sa presentation of agreements, kabilang sa inilatag ng Department of Justice (DOJ) at Ministry of Foreign Affairs ng Poland ang agreement on mutual legal assistance in criminal matters.
Layunin nitong palakasin ang kooperasyon sa pag iwas at paglaban sa mga krimen kabilang ang enhanced legal assistance and cooperation sa criminal proceedings.
Ayon kay Marcos, mahalagang pundasyon ng relasyon ng dalawang bansa ang tinatayang 25,000 Pilipino na naninirahan sa Poland.











