-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Department of Justice na ang pag-iisyu ng ‘subpoena’ ay hindi awtomatikong ‘guilty’ na ang isang respondent sa reklamo.

Ayon kay DOJ Usec. Ian Norman Dato, ang inisyung ‘subpoena’ ay bahagi sa ‘preliminary investigation stage’ ng ‘panel of prosecutors sa reklamong hinahawakan.

Dito aniya binibigyan ng pagkakataon ang mga ‘respondents’ para sagutin ang alegasyon kinakaharap bago humantong sa tuluyang pagsasampa ng kaso.

Magugunitang inatasan ng DOJ sina Sen. Robin Padilla, Lt. Col. Jean Robles at iba pa na humarap sa ‘panel of prosecutors’ upang magsumite ng kanilang ‘counter-affidavits’ kalakip mga ebidensya.

Kapwa nila kinakaharap ang reklamong ‘obstruction of justice’ kaugnay sa naganap na pagtakas ni Sen. Bato Dela Rosa sa implementasyon ng ‘arrest warrant’ ng International Criminal Court.

-- ADVERTISEMENT --

Itinakda naman ang mga pagdinig ng panel sa darating na ika-25 ng Setyembre at ika-9 ng Oktubre, alas-dos ng hapon sa Department of Justice.

Sakali man ‘absent’ o hindi dumalo ang respondents sa nabanggit na mga pagdinig, ituturing aniya ito bilang ‘waiver’ sa karapatan makapagpresenta ng mga respondents ng kanilang depensa.

Pagtitiyak ng kagawaran na makakaasa umanong reresolbahin ang reklamo nang walang kinikilingan at pinapaburan anuman ang posisyon ng mga partido.