Naghain ng not guilty plea si dating House Speaker Martin Romualdez dahil sa kaso nitong plunder.
Sa ginawang arraingment sa kaniyang kaso sa Sandiganbayan Third Division ay inihain ni Romualdez ang kaniyang not-guilty plea.
Dumalo si Romualdez sa pamamagitan ng teleconferencing mula sa New Quezon City Jail.
Una ng humirit ang abogado ni Romualdez na si Atty. Jose Roy III na i-waive ang pagbasa ng pormal na kaso laban sa kaniya subalit ito ay ibinasura ng korte sa pamamagitan ni Associate Justice Karl Miranda.
Sinabi naman ng isa niyang abogado na si Atty. Rachel Ann Pomoy na maghahain ng petisyon ang kampo ng mambabatas ng petition for bail para sa kasong plunder.
Magugunitang nahaharap si Romualdez ng kasong plunder dahil sa umanoy pagtanggap nito ng kickback na aabot sa P7.4 bilyon.
Noong Setyembre 7 ng ilabas ng Sandiganbayan ang warrant of arrest laban kay Romualdez , dating AKO BICOL Rep. ZaldyCo at dalawang iba pa dahil sa kasong plunder ukol sa kickbacks mula sa flood control projects.











