-- ADVERTISEMENT --
Handang-handa na si Pinoy boxing champion Mark Magsayo para sa world lightweight boxing match laban kay Andres Cortes ngayong araw ng Linggo, Setyembre 13.
Ang 10-round fight ng dalawa ay bahagi ng undercard sa WBC welterweight titlist Ryan Garcia laban kay Conor Benn.
Si Magsayo na 31-anyos ay mayroong magkakasunod na panalo kung saan siya ay ranked number 6 ng IBF, ranked number 9 naman ng WBO at ranked number 10 naman ng WBC sa 135-pound class.
Mayroong record si Magsayo na 29 panalo,dalawang talo at 19 knockouts.
Habang ang 29-anyos na si Cortes ay naging professional boxer noong 2016 kung saan mayroon itong record na 25 panalo at wala pang talo mayroong 13 knockouts.
-- ADVERTISEMENT --










