Humiling si detained Senator Rodante Marcoleta sa Senate impeachment court na isama ang kanyang boto sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ito ni Senate impeachment court Presiding Officer Senator Francis “Chiz” Escudero na natanggap nila ang liham ni Marcoleta kung saan hinihiling nitong kilalanin ang kanyang karapatang bumoto bilang senator-judge sa kaso ng Bise Presidente.
Ayon kay Escudero, binanggit ni Marcoleta ang isang patakaran na ginamit noong impeachment trial ni dating Pangulong Joseph Estrada, kung saan maaari umanong kilalanin ang boto ng isang senador-judge kahit may limitasyon sa kanyang pisikal na pagdalo.
Gayunpaman, hindi pa naglabas ng pinal na desisyon ang impeachment court at ini-refer muna ang kahilingan sa Senado bilang isang legislative body.
Sinabi ni Escudero na maaari niyang suportahan ang kahilingan ni Marcoleta basta’t wala itong natatanggap na suspensyon sa kanyang pagiging senador.
Matatandaang kasalukuyang nakakulong si Marcoleta sa Quezon City Jail matapos maglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na isinampa laban sa kanya.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y hindi idineklarang campaign donation na natanggap niya para sa kanyang pagtakbo sa pagka-senador noong 2025 elections.











