-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD), umabot na sa 46 ang bilang ng mga nasawi, habang 630 naman ang sugatan at 17 ang nawawala.

Patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operations sa mga lugar na matinding naapektuhan ng kalamidad.

Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa General Santos City upang personal na inspeksyunin ang mga nasirang imprastraktura at pangunahan ang mga relief operation.

Sa kanyang pagbisita, inanunsyo ng Pangulo na magbibigay ang pamahalaan ng P50,000 ayuda sa bawat pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa lindol.

-- ADVERTISEMENT --

Naglaan din ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng hanggang P15,000 tulong-pinansyal para sa mga manggagawang naapektuhan ng sakuna.

Samantala, maaari ring makatanggap ng P30,000 funeral assistance ang mga pamilya ng mga manggagawang nasawi.

Kabilang sa mga pinakahuling biktimang natagpuan ang isang empleyado na naipit sa gumuhong supermarket sa General Santos City. Matapos ang ilang araw na paghahanap, narekober ng mga rescuer ang kanyang katawan mula sa ilalim ng mga debris.

Malaki rin ang naging epekto ng lindol sa sektor ng edukasyon. Mahigit 1,100 paaralan sa Mindanao ang napinsala, habang suspendido pa rin ang klase sa humigit-kumulang 8,000 paaralan. Ayon sa Department of Education, posibleng abutin ng ilang buwan bago maibalik sa normal ang operasyon ng ilan sa mga paaralan.

Samantala, patuloy na nahihirapan ang mga ahensya ng gobyerno sa paghahatid ng tulong sa ilang lugar dahil sa mga nasirang kalsada at landslide. Dahil dito, gumamit na ng mga helicopter ang Armed Forces of the Philippines upang maihatid ang pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga komunidad na hindi madaling marating.Philippine Politics News

Ayon naman sa Pangulo, naibalik na ang kuryente sa humigit-kumulang 85 porsyento ng mga apektadong lugar. Unti-unti na ring naibabalik ang komunikasyon at suplay ng tubig sa iba’t ibang komunidad.

Patuloy ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa relief, rescue, at rehabilitation efforts habang libu-libong pamilya sa Mindanao ang nagsisimulang bumangon mula sa isa sa pinakamalalakas na lindol na tumama sa rehiyon sa mga nakalipas na taon.