-- ADVERTISEMENT --

Nagdeklara na sa ilalim ng state of calamity ang ilang bayan sa Sarangani, kabilang ang Malapatan at Glan, matapos ang mapaminsalang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa baybayin ng Sarangani noong Hunyo 8, 2026.

Sa Malapatan, inulat ng mga residente na malakas ang mga naranasan nilang mga pagyanig, kung saan halos sumayaw umano ang mga konkretong poste habang nangyayari ang lindol.

Sa isang paaralan sa Barangay Upper Suyan, hindi maiwasang mag-panic at umiyak ang mga estudyante habang nangyayari ang malakas na lindol.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakaranas ang Malapatan ng Intensity VIII, na itinuturing na isa sa pinakamalakas na naitala sa lindol.Philippine Politics News

Dahil sa pinsala, pansamantalang isinara ang Masla Bridge matapos makitang posibleng naapektuhan ang structural integrity nito.

-- ADVERTISEMENT --

Habang sa bayan ng Glan, nagdulot ng landslides ang lindol na humarang sa ilang kalsada, habang ilang sasakyan naman ang tinamaan ng bumagsak na bato.

Ayon kay Glan Mayor Victor James Yap Sr., umabot sa 20 katao ang nasawi sa bayan batay sa paunang ulat.

Ilan sa mga residente ay nangangailangan ng agarang pagkain, tubig, at suplay, habang nakararanas din ng pagkawala ng kuryente at signal ng komunikasyon sa ilang lugar.

Sa bisa ng isang executive order, nagpatupad si Sarangani Governor Rogelio Pacquiao ng province-wide emergency measures upang tugunan ang epekto ng lindol.

Samantala, idineklara ring nasa state of calamity ang General Santos City. Ilang bahagi ng GenSan–T’boli–Surallah Road ang pansamantalang isinara matapos matukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi ito ligtas sa mga motorista dahil sa pinsala.