Naniniwala si Batang Europa Program Director, Coach Kem Navoa na kinalaunan ay makukuha ng New York Knicks ang 2026 NBA championship.
Posibleng mangyari ito sa loob ng anim na game o 4-2.
Ayon sa Europe-based Filipino basketball coach, bagaman malaki ang tyansa ng San Antonio Spurs na makakuha ng ilang panalo, posibleng mananaig pa rin ang pagiging batikan ng Knicks players kumpara sa karanasan ng bagitong Spurs superstar na si Victor Wembanyama.
Kailangan din aniya ni Spurs guard De’Aaron Fox na mag-level up tulad ng mga pinapakita niya sa regular games upang makapagbulsa ng panalo ang San Antonio, dahil sa ngayon ay labis nang nahihirapan ang bigman na bukod-tanging magbubuhat sa koponan.
Maaalalang ibinulsa ng Knicks ang dalawang magkasunod na Game 1 at Game 2 sa kabila ng pagpupumilit ng San Antonio na dominahin ang laban sa sarili nitong court.
Posible rin aniyang magkakaroon ng momentum swing sa mga susunod na laban ngunit naniniwala ang batikang Filipino coach na mananaig pa rin ang experience ng Knicks sa kasagsagan ng laban.
Tinukoy nito ang magandang performance ng New York guard na si Jalen Brunson, isang volume shooter na kayang dominahin ang 3-point line at paint area.











