-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Abdullah Al-Rajhi, tagapagsalita ng Public Authority for Civil Aviation, na tinarget ng ilang drone attack ang Kuwait International Airport.

Sa kanyang panayam sa Kuwait News Agency nitong Sabado, walang naiulat na nasawi sa insidente at limitado lamang ang pisikal na dinulot sa paliparan, ngunit nagdulot ito ng malaking pinsala sa radar system ng airport.Balitang OFW

Dagdag ni Al-Rajhi, agad na rumesponde ang mga emergency team at kaugnay na mga ahensya upang tingnan ang sitwasyon at tiyakin ang kaligtasan ng operasyon, gayundin ang pagpapanumbalik sa normal na operasyon sa lalong madaling panahon.

Tiniyak din niya ang buong commitment ng awtoridad, katuwang ang iba pang kinauukulang ahensya, na magsagawa sila ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng civil aviation sa Kuwait.

Samantala nagpahayag naman ng matinding pag-aalala ang mga bansa sa Gulf region sa posibleng pag-atake ng mga militia at proxy armed groups na suportado ng Iran, na kanilang kinatatakutang maaaring magdulot ng destabilization at lalong magpalala ng digmaan sa Middle East.

-- ADVERTISEMENT --

Sa isang pinagsamang pahayag ngayong linggo, kinondena ng Qatar, Kuwait, United Arab Emirates, Bahrain, Saudi Arabia, at Jordan ang mga pag-atakeng umano’y isinagawa ng Iran sa kanilang teritoryo—direkta man o sa pamamagitan ng mga armadong grupong sinusuportahan nito sa rehiyon.

Noong Miyerkules, inihayag ng Kuwait na napigilan nito ang isang planong pagpatay sa mga lider ng estado at naaresto ang anim na suspek na pinaniniwalaang may kaugnayan sa militanteng grupo na Hezbollah, isa sa pinakamalakas na proxy group ng Iran.

Sa loob ng ilang dekada, ginagamit umano ng Iran ang mga proxy militia bilang para sa kanilang foreign at security policy upang palawakin ang impluwensya sa rehiyon at pahinain ang mga kalabang bansa.

Kabilang sa mga kilalang grupong ito ang Hezbollah sa Lebanon at ang Houthis sa Yemen, pati na rin ang iba pang armadong grupo na aktibo sa Iraq at Syria.

Samantala, noong Biyernes, kinumpirma ng Houthis na nagsagawa sila ng missile strike laban sa Israel, kauna-unahang pagkakataon na inamin ng nasabing grupo ang direktang partisipasyon nito sa nagpapatuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.