-- ADVERTISEMENT --

Patay ang pitong sakay ng helicopter matapos na ito ay bumagsak sa karagatang bahagi ng Qatar.

Ang mga sakay nito ay kinabibilangan ng apat na Qatari military personnel, isang Turkish serviceman, dalawang technician mula sa Turkish defense company.

Kinumpirma ng interior ministry ng Qatar na kanilang natagpuan na ang lahat ng mga bangkay ng pitong biktima.

Ang nasabing mga sakay ng helicopter ay bahagi ng kanilang military exercise.

Mayroon base militar kasi ang Turkey sa Qatar mula pa noong 2014.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing helicopter.