Sinimulan na ng Gilas Pilipinas ang 10-araw na training para sa second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Gilas head coach Tim Cone na may ilang pagbabago sa line up ng national basketball team.
Kinuha nila para sa ensayo si Justine Baltazar kung saan sa Converge ay mayroon itong average na 14.8 points at 14. 2 rebounds.
Siya ang magiging tulong sa kawalan nina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown.
Dagdag pa ni Cone na nagdesisyon si Millora-Brown na hindi muna sumali sa Gilas Pilipinas habang si Sotto ay kagagaling lamang sa injury at mayroong torneo pa itong lalahukan sa Jaan.
Sa unang araw ng session ay dumalo naman sina Justine Brownlee, June Mar Fajardo, Scottie Thompson , Calvin Oftana, Cjay Perez, Chris Newsome, RJ Abarrientos at Troy Rosairo.
Makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Pebrero 26 habang ang Australia naman sa darating na Marso 1.











