-- ADVERTISEMENT --

COTABATO– Na-neutralize at napatay sa hot pursuit operation kagabi ang lalaking itinuturong isa sa mga suspek sa paghagis at granada sa New Year’s eve sa Brgy. Dalapitan, Matalam Cotabato na ikinasugat ng 22 katao.

Kinilala ang suspek na si Hammad Ansa, 40-yrs. old, may asawa, at residente ng Purok 6, Barangay Kilada, Matalam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Gensan, kinumpirma ni PBrig.Gen. Arnold Ardiente, Regional Director ng Police Regional Office 12, nanlaban umano ang suspek at dahil dito ay napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok.

Nagpatupad na ng mahigpit na seguridad sa lugar habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang kasama ng suspek na tukoy na rin ng PNP.

Napag-alaman na involved diumano sa bentahan ng ilegal na droga ang mga suspek bagay na itinuturong motibo ng krimen ayon kay Ardiente bilang ganti umano sa mga operasyon na inilulunsad ng Cotabato Provincial Police Office laban sa kanila.

-- ADVERTISEMENT --