-- ADVERTISEMENT --
Nag-iwan ng malaking impact ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na si Ahtisa Manalo sa Q&A segment.

Sa unang tanong ay inihayag ni Manalo na nais niyang maging imahe ng pag-asa sa mga tao at sa murang edad na 10 taong gulang, sinimulan na niya ang pagsali sa mga pageants upang makapag-aral at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.
Sa Final Q&A naman, sinabi ni Manalo na nagpapatuloy ito sa pagtulong sa Alon Akademie at nagnanais na tulungan ang mga kabataang Pilipino na umahon at abutin ang kanilang mga pangarap.
Sa huli, nakuha ni Ahtisa ang 3rd runner-up sa Miss Universe 2025.












