-- ADVERTISEMENT --

Marami ang nagulat sa naging pahayag ni Sen. Imee Marcos nitong Lunes matapos niyang akusahan ang kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Batid ko na, na nagda-drugs siya. Nalaman ko at ng pamilya. Nalaman ng pamilya, seryoso ito,” ani Imee sa ikalawang araw ng anti-corruption rally na inorganisa ng Iglesia ni Cristo (INC).

Bukod sa Pangulo, binanggit din ng senadora si First Lady Liza Araneta-Marcos na umano’y gumagamit din ng droga.

“Mas lumala ang kaniyang pagkalulong sa droga dahil parehas pala silang mag-asawa,” dagdag pa niya.

Sen. Imee Marcos, inakusahan ni PBBM na gumamit ng droga?

Hindi rin malinaw kung may ebidensyang ilalabas si Senadora Marcos upang patunayan ang kanyang pahayag.

Samantala, tinawag naman ni Usec. Claire Castro na “desperadong hakbang” ang akusasyon ni Sen. Imee Marcos laban sa Pangulo.

Sinabi ni Castro, na isang “desperadong hakbang” ang ginawa ni Senadora Imee nang akusahan niya ang kanyang kapatid na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Hinamon pa ni Castro ang senadora na sa halip ay tumulong sa Pangulo sa paglilinis ng pamahalaan.

“Walang basehan dahil kung itong test na ito na siyang kinumpirma ng St. Luke’s na negatibo sa drug test ang Pangulo, bakit hindi siya tumutol noon? Alam natin kung ano ang motibo niya,” pahayag ni Castro sa kanyang livestream nitong Lunes.