-- ADVERTISEMENT --

Plano ng Pilipinas na maging host ng Asian Youth Games.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, naiparating na nito sa Malakanyang ang impormasyon sa balakin na maging host ng 2031 Asian Youth Games.

Dagdag pa nito na bukod sa Asian Youth Games ay ikinokonsidera din nila ang hosting ng Asian Beach Games.

Umaasa ito na tutulungan siya ng gobyerno para maisakatuparan ang balakin na hosting ng ito.
Layon nito ay para mapalakas ang tsansa ng mga batang atleta ng bansa na makalahok sa mga international competitions.

Sa nagaganap kasi na Asian Youth Games sa Bahrain ay nagpadala ang Pilipinas ng 141 na atleta sa lalahok sa volleyball, golf, triathlon, boxing, teqball, athletics, weightlifting, jiujitsu at Kurash.

-- ADVERTISEMENT --