-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ng actres na si Anne Curtis na ito ay buntis.

Nagsimula ang isyu dahil sa video na ipinost ng tv host-actress sa kaniyang social media na sumasayaw sa New York City.

Napansin ng mga fans nito na tila nadagdagan ang timbang ng actress na nagkaroon ng baby bump.

Dito ay sinagot ng actress ang mga komento at sinabing busog lamang siya sa mga oras na iyon.
Ipinagtanggol naman ng ilang mga fans ng actress at sinabing huwag dapat i-body shame ito kung lumaki man ang katawan niyia.