-- ADVERTISEMENT --

Bukas si Vice President Sara Duterte na ma-review ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ayon kay VP Sara, huwag na raw silipin ni bagong Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang kanyang SALN at pag-aralan na niya ito nang maayos.

Kung ano man aniya ang gustong gawin ni Remulla bilang Ombudsman ay ipagpapasa-Diyos na lang daw niya ito.

Ang pahayag ni VP Sara ay kasunod ng anunsyo ni Remulla noong Biyernes na gagawin niyang naa-access ng publiko ang mga SALN ng mga opisyal ng gobyerno, kabilang na ang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kay Duterte.

Samantala, sinabi ni Duterte na hindi si Remulla ang nais niyang maging Ombudsman kung siya man ang pangulo ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Una na ring sinabi ni Senadora Imee Marcos, kaalyado ng mga Duterte, na ang pagtatalaga kay Remulla bilang Ombudsman ay upang maipakulong si Duterte bago ang 2028 presidential elections.

Itinanggi naman ni Pangulong Marcos ang pahayag ng kanyang kapatid.