-- ADVERTISEMENT --

Nanindigan si Senador Alan Peter Cayetano na handa siyang maunang magbitiw sa puwesto, basta’t susunod ang lahat ng kanyang mga kapwa mambabatas sa parehong hakbang.

Ginawa niya ang pahayag sa gitna ng mga panawagan para sa mas malawak na reporma sa pamahalaan at paglilinis sa hanay ng mga opisyal.

Ayon kay Cayetano, hindi siya kapit-tuko sa posisyon at bukas siyang magsakripisyo kung ito’y magdudulot ng mas malinis at mas mapagkakatiwalaang pamahalaan.

Nag-ugat ang pahayag sa mga diskusyon ukol sa accountability ng mga opisyal ng gobyerno, kasunod ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng ilang ahensya.

Nanawagan si Cayetano ng sama-samang aksyon upang maibalik ang tiwala ng publiko sa institution ng pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --