-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang tatlong mag-aaral matapos ang pamamaril sa loob ng Evergreen High School sa Evergreen, Colorado.

Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima habang nagpatupad ng lockdown sa paaralan.

Halos 100 mga kapulisan ang rumesponde at isa-isang sinuyod ang mga silid aralan para hanapin ang suspek.

Ito na ang ika-47 na pamamaril sa loob ng paaralan sa US ngayong taon kung san 24 dito ay sa kolehiyo habang 23 sa K-12 school grounds.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo habang pinaghahanap nila ang supsek.

-- ADVERTISEMENT --