-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang 49-taong gulang na lalaki matapos nitong tangayin ang isang 15-anyos na dalagita sa Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Bentong, residente ng San Lorenzo Ruiz, habang ang biktima ay itinago sa alyas Danica, residente ng Basud.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 271 ng Revised Penal Code o An Act Inducing a Minor to Abandon Their Home, at sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Nasa kustodiya na ng kanyang pamilya ang dalagita at binigyan na ito ng tulong mula sa Municipal Social Worker and Development Office at sa Women and Children’s Protection Desk ng Basud Municipal Police Station.

Ayon sa imbestigasyon, unang lumapit sa mga otoridad ang lolo ng dalagita. Napag-alaman na nagtungo ang dalawa sa Lucena City, sa lalawigan ng Quezon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa tulong ng Lucena City PNP, natunton ang dalawa at naaresto ang suspek.