-- ADVERTISEMENT --
Minaliit ng kampo ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang mga puna at batikos ukol sa kaniyang pagbabalik sa boxing ring dahil sa edad nito.
Sinabi ng kaniyang long-time trainer at kababata na si Buboy Fernandez, na sa edad na 46 ng dating senador ay alam niya kung papayagan pa nitong muling lumaban.
Sa nasabing edad aniya ay hindi nito nakitaan ang dating boksingero ng pagiging tamad sa pag-ensayo.
Pursigido pa ito sa mga ensayo at sparring kung saan wala itong sinayang na oras mula ng simula ang training sa Los Angeles.
Nakatakdang makaharap ni Pacquiao si World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios sa Hulyo 20 sa Las Vegas.
-- ADVERTISEMENT --