-- ADVERTISEMENT --
Dakong sunog sa Prk Islam, Brgy Dadiangas South Gensan

GENERAL SANTOS CITY – Tanging ang bungo at mga buto na lamang ng isang batang babae ang naabutan ng mga kamag-anak matapos tinupok ang kanilang bahay sa nangyaring malaking sunog sa Purok Islam, Barangay Dadiangas South nitong lungsod.

Kinilala ang biktima na si Baynor Putian, isang Kinder 2 pupil na nakatira sa lugar.

Ayon kay Sarah Sua, naiwang mag-isa ang pamangkin sa loob ng kanilang boarding house habang natutulog nang mangyari ang sunog sa palibot ng moske .

Inihayag nito, maagang umaalis ng kanilang bahay ang ama ng biktima dahil ito’y nagtatrabaho sa palengke.

At saka nagtatrabaho naman sa ibang bansa ang ina ng bata.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang sunog ay sumiklab dakong alas 5 ng madaling araw na tumupok sa tinatayang 60 bahay na gawa sa mga light materials na karaniwan ay pinauupahan sa lugar.

Sa report, maliban sa isang casualty, may ilang residente na nasugatan at isang motorsiklo ang tinupok ang hindi na rin mapakinabangan matapos tinupok ng apoy.

Mala-impyerno naman ang lugar dahil sa malapad na sunog.

Maaalalang nangyari rin ang malaking sunog noong nakaraang buwan sa katabi ng nasabing lugar.