-- ADVERTISEMENT --

Nakarekober ang mga rescue team,ang 24 na bangkay mula sa isang pampasaherong bus na nahulog sa ilog Padma sa Goalanda, Bangladesh noong Miyerkules. Ayon sa mga opisyal, kabilang sa mga nasawi ang limang bata.

Ang bus, na may sakay na humigit-kumulang 50 pasahero, ay lumubog sa malalim na bahagi ng ilog habang tinatangkang sumakay sa isang ferry.

Marami ang nakaligtas matapos makalabas bago tuluyang lumubog ang sasakyan.

Ang insidente ay naganap sa Goalanda, humigit-kumulang 65 kilometro kanluran ng Dhaka, kabisera ng Bangladesh.

Ang mga bangkay ay nakuha ng fire service officers, mga lokal na residente, at navy divers.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang imbestigasyon kung paano nawalan ng kontrol ang bus sa rampa ng ferry.

Karaniwan ang mga nakamamatay na aksidente sa Bangladesh dahil sa mahihinang kalsada, luma at sira-sirang sasakyan, at pabayaang pagmamaneho.