Naglabas ng buong listahan si dating Ako Bicol Paryt-list Zaldy Co na mga listahan na mga proyekto na isiningit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Co na malinaw aniya na makikita ang mga ito sa General Appropriations Act ng 2025.
Maari din itong i-cross check sa National Expenditure Program (NEP) 2025 para maberipika na ang mga ito ay lumalabas doon.
Hinikayat din nito ang mga ahensiya ng gobyerno ng pag-aralan at suriin ang mga listahan.
Iminungkahi pa ng dating mambabatas na mahalaga na suriin mabuti ang mga dokumento bago maglabas ng mga hindi makatarungang pahayag.
Sa huli ay sinabi ni Co na mararapat na mabigyan ang publiko ng patas , kumpleto at imbestigasyon na mayroong ebidensiya at hindi agad na magpasya ng hindi nakikita ang buong larawan.











