-- ADVERTISEMENT --
Tinanggihan ni dating Ako-Bicol Partylist Representatives Zaldy Co na tanggapin ang order to file counter-affidavit ng Office of the Ombudsman.
Ayon kay Ombudsman spokesperson Mico Clavano, na naibigay nila ang order sa pinakahuling address ni Co subalit hindi tinanggap ng mga nandoon.
Ang nasabing order ay pinapanagot si Co sa reklamo na inihain sa kaniya sa itinakdang panahon at kung bigo nitong sagutin ay maikokonsiderang “default”.
Sa nasabing pagkakataon ay gagamitin ng prosecutors ang lahat ng isinumiteng dokumento kabailang affidavit ng complainant bilang natatanging basehan para sa resolution.











