Pormal nang sinampahan ng National Bureau of Investigation ang asawa at anak ni former Rep. Mike Defensor sa Pasig City Prosecutors Office.
Sa kumpirmasyon ni NBI Dir. Atty. Melvin Matibag, reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act ang inihain ng kawanihan laban kina Julie Rose at Miguel Gabriel Defensor at iba pang sangkot.
Bukod sa reklamong ‘sex trafficking’, sinampahan rin sila ng reklamong paglabag sa ‘Comprehensive Dangerous Drugcs Act of 2022’.
Kaugnay ang mga kaso sa isinagawang pagsalakay ng NBI sa isang KTV Bar sa lungsod ng pasig kung saan 54 kababaihan ang nasagip.
Ginagamit umano ang mga babae bilang ‘customer care assistants’ para sa sexual exploitation kapalit ang halagang sampung libo hanggang 20-libo piso.
Kadyat naman inilagay sa pangangalaga ng ‘social welfare authorities’ ang mga naligtas o nasagip na higit 50-kababaihan o biktima.
Habang arestado ang mga tauhan ng naturang bar kabilang ilang managers, operators, at customers na nabistong sangkot sa ilegal na gawain.











