-- ADVERTISEMENT --

Maglalabas na ang Bureau of Customs (BOC) ng warrant of seizure and detention laban sa walong luxury vehicles na konektado kay dating Ako-Bicol party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno. may iregularidad sa mga dokumento ng mga sasakyan kaya may iminungkahing warrant na ilalabas.

Kung hindi maipakita ng may-ari ang lehitimong papeles, ang mga sasakyan ay mapupunta sa pag-aari ng gobyerno.

Noong Enero, nasamsam na rin ng BOC at PNP ang 14 na sasakyan ni Co na lumalabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Si Co ay nasasangkot sa iskandalo ng flood control projects, kung saan tumanggap umano siya ng kickbacks. Mayroon din siyang arrest warrant mula sa Sandiganbayan kaugnay sa P289.5 milyong anomalya sa proyekto sa Naujan, Oriental Mindoro.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, ang walong luxury cars ay naka-park sa ICI compound sa Taguig City matapos ang search sa condominium ni Co.