-- ADVERTISEMENT --
Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na sinimulan na ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) party na ligawan siya para tumakbo sa 2028 national at local elecitons.
Subalit sinabi ng Bise Presidente na nananatili itong hindi interesado sa nasabing alok.
Dagdag pa nito na halos linggo-linggo ay iniimbitahan siya na kung maari ay sumama na siya sa kanilang partido.
Nagpapasalamat na lamang ito na hindi na sumali pa sa ibang mga partido matapos na umali sa Lakas party para hindi na nito kailangang makipagplastikan sa ibang mga tao.
Paliwanag din ng Bise Presidente nananatiling regional party sa Davao ang kaniyang binuong Hugpong ng Pagbabago (HNP).
-- ADVERTISEMENT --