-- ADVERTISEMENT --

Isang student leader ng University of the Philippines Diliman University Student Council ang kabilang sa 19 na nasawi sa insidente sa Toboso, Negros Occidental, ayon sa pahayag ng naturang konseho noong Miyerkules.

Kinilala ang biktima bilang si Alyssa Alano, Education and Research Councilor ng UP Diliman USC, na sinabing nasawi sa nangyaring insidente noong Abril 19 sa Barangay Salamanca.

Ayon sa USC, naganap ang insidente matapos umano ang “walang habas na pamamaril” ng 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nagresulta rin sa paglikas ng humigit-kumulang 168 pamilya at 653 indibidwal.

Sa kanilang pahayag, tinukoy ng student council si Alyssa bilang “innocent civilian” at kinondena ang pagkamatay nito, na iniuugnay nila sa umano’y militarisasyon sa lugar.

”Tumitindi ang pandarahas, pandadakip, at pagpatay ng mga magsasakang Negrense,” ayon sa statement ng UP Student Council.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nauna nang sinabi ng Philippine Army na may nangyaring engkwentro sa pagitan ng 79th Infantry Battalion at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa parehong lugar.Balitang Pilipinas

Ayon sa ulat ng militar, 19 umano’y NPA members ang napatay at isang sundalo ang nasugatan ngunit nasa maayos na kondisyon na ito.

Ipinahayag ng UP Office of the Student Regent ang pakikiramay sa pagkamatay ni Alano, na kanilang inilarawan bilang mag-aaral at lider-estudyante ng UP Diliman.

Sa ngayon, ‘wala pang pahayag ang AFP upang linawin ang magkakaibang ulat tungkol sa insidente.

Bukas din ang Bombo Radyo para panig ng AFP.