-- ADVERTISEMENT --
Posibleng magpatupad ng taas-presyo sa ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo ang ilang oil companies, ayon sa Department of Energy.
Kung saan asahan ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis sa bansa simula Martes, Setyembre 9, 2025.
Diesel P1.40/L⬆️
Gasoline P1.00/L⬆️
KeroseneP0.80/L⬆️
Ilan sa mga dahilan ng oil price hike ang pagtaas ng presyo ng langis ng $1 matapos magpatupad ang United States ng mga sanction na layong bawasan ang kita ng Iran mula sa langis, gayundin ang mas umiigting na mga airstrike sa pagitan ng Russia at Ukraine.