Inaprubahan na ng Senado ang Senate Bill 1982 o ang panukalang emergency congressional authorization para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na suspendihin ang fuel excise tax.
Layon nito ay para mabawasan ang epekto ng nagaganap na sigalot sa Gitnang Silangan.
May botong 17 ang pumabor at walang kumontra at wala rin ang nag-abstain.
Mula ng sineritpikahan ni Pangulong Marcos ang panukalang batas ay hindi ipinatupad ng Senado ang three-day rule at agad itong ipinatupad.
Sa bersiyon naman ng House of Representatives na House Bill 8418 na inaprubahan sa lower chamber noong Lunes kung saan kailangan muna ng magdeklara ang pangulo ng state of national emergency o calamity para mai-justify ang suspensyon o pagbawas ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Paliwanag naman ni Senator Sherwin Gatchalian, kaya siya pumabor sa kaniyang boto ay dahil kailangan ng mamamayan ang agarang tulong dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.Mga Mantikang Panluto
Habang sa panig ni Senator Risa Hontiveros, na ang panukalang batas ay makakatulong ng pansamantalang kaginhawaan sa mga Filipino, mananakay at mga maliliit na negosyante.
Habang si Senator Pia Cayetano ang chairman ng Senate committee on ways and means , ay ibinabala niya na ang suspensiyon ng fuel excise tax ay magreresulta sa pagkalugi ng kita ng gobyerno ng hanggang P136 bilyon.











