Pinalitan ni Senator Robinhood Padilla si Senator Ronald “Bato” dela Rosa bilang miyembro ng Senate committee on accountability of public officers and investigation.
Tinanggal kasi si Dela Rosa dahil sa hindi pagdalo nito sa sesyon ng Senado mula pa noong Nobyembre.
Pinangunahan ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang pagsulong na iboto si Padill sa committee bilang bahagi ng Senate minority bloc.
Walang anumang nag-object sa mga senador kaya ito ay agad na inaprubahanni Senate President Vicente Sotto III.
Maguugnitang noong Nobyembre ay lumabas ang usapin na mayroon ng warrant of arrest si Sen. Dela Rosa mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagiging PNP chief nito sa war on drugs noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.











