-- ADVERTISEMENT --

Inilabas ni Senator Panfilo Lacson ang pangalan ng opisyal na Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagbalak ng magkaroon ng insertions sa 2026 national budget.

Isang Undersecretary Cabral umano ang tumawag kay Senator Vicente Sotto III matapos ang Mayo 2025 elections na nag-imbita sa senador na magkaroon insertion sa 2026 national budget.

Tinawagan ng opisyal ang isa sa mga staff ni Sotto at nais nilang may isingit sa nasabing budget.

Nilinaw naman ni Sotto na hindi direktang nakausap nito si Undersecretary Maria Catalina Cabral at sa halip ang pinadalang emisaryo.

Si Cabral ay undersecretary for planning, public-private partnerships, and information management services.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang ibinunyag ni Lacson ang mga anomalyang naganap sa mga flood control projects kung saan sangkot ang ilang opisyal ng DPWH.