-- ADVERTISEMENT --

Magsusumite sa lunes ang kampo ni dating house speaker at Leyte Representative Martin Romualdez ng kanilang sagot sa utos ng sandiganbayan kung bakit hindi siya dapat ma-preventively suspend bilang mambabatas.

Ayon sa kanyang abogado na si Ade Fajardo, lunes ang deadline para magsumite ng komento sa Third Division ng Sandiganbayan.

Noong Setyembre 16, binigyan ni Associate Justice Karl Miranda si Romualdez ng 10 araw upang ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat isailalim sa preventive suspension.

Nahaharap si Romualdez sa plunder case kaugnay ng umano’y P7.44-billion kickbacks mula sa mga kontratista at iba pang may interes sa flood control at infrastructure projects.

Noong Setyembre 7, naglabas ng arrest warrant laban kay Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dalawa pa.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa New Quezon City Jail-male dormitory si Romualdez at una nang umamin na not guilty sa kaso.