Natitiyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na kanilang tutulungan si Pinay tennis star Alex Eala.
Kasunod ito sa sanctions na kaniyang posibleng kaharapin mula sa Women’s Tennis Association (WTA) dahil sa pagpili nito na maglaro sa 20th Asian Games sa Japan kaysa sa China Open.
Sinabi ni PSC chairman Patrick Gregorio, na malinaw na ang laban na ito ni Eala ay para sa bayan.
Dagdag pa nito na marapat na tularan ang Pinay tennis star dahil sa mas pinili nito na irepresenta ang bansa.
Una ng inanunsiyo ng WTA na papatawan nila si Eala ng hanggang $10,000 kung hindi maglalaro ito sa China Open na isang mandatory sa WTA 1000 event para sa kababaihan at ATP 500 tournament naman para sa mga kalalakihan.
Target kasi ng Pinay tennis star na makakuha ng gintong medalya sa Asian Games dahil sa huling paglaban niya sa Asian Games noong 2023 sa China ay nakapag-uwi lamang ito ng bronze medal.











