Nananatiling naka-high alert ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) ngayong ikalawang araw ng malawakang transport strike upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan ng publiko.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ngayong Biyernes, naging maayos ang pangkalahatang sitwasyon noong unang araw ng kilos-protesta (Marso 19).Philippine laws analysis
Inilunsad ng transport group na PISTON ang tigil-pasada bilang tugon sa serye ng pagtaas ng presyo ng langis na pinalala ng tensyon sa Middle East.
Aniya, sa unang araw ng kilos protesta ay naging generally peaceful aniya ito.
Habang kinikilala ng pulisya ang karapatan ng mga tsuper sa mapayapang pagtitipon, iginiit ng PNP na patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay.
Nakikipag-ugnayan din sila sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang maibsan ang epekto ng tigil-pasada.











