-- ADVERTISEMENT --

Magpapatupad ang Pilipinas at Estados Unidos ng mahigit 500 military at security activities sa 2026, ayon sa Philippine Navy.

Sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na inaprubahan ng Mutual Defense Board–Security Engagement Board (MDB-SEB) ang mga aktibidad na kinabibilangan ng Balikatan exercises, maritime cooperative activities (MCAs), air engagements, at expert exchanges, kasama ang ibang like-minded nations.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng militar, kritikal ang 2026 bilang paghahanda bago ang target ng China na makumpleto ang military preparations nito kaugnay ng Taiwan sa 2027.

Dagdag niya, magsisilbing deterrent ang mga aktibidad sa posibleng destabilizing actions sa rehiyon, at ang ilan ay itinuturing nang “rehearsals” sa gitna ng tumitinding tensyon sa Taiwan Strait.