-- ADVERTISEMENT --

Sinuportahan ni Archbishop of Canterbury Sarah Mullally si Pope Leo XIV ukol sa panawagang kapayapaan para sa lahat ng bansa sa mundo.

“I stand with my brother in Christ, His Holiness Pope Leo XIV, in his courageous call for a kingdom of peace,” ani Mullally.

Dahil dito hinikayat ng obispo ang 85 milyong Anglicans sa buong mundo na magsalita para sa kapayapaan, kasunod ng mga serye ng pambabatikos ni U.S. President Donald Trump sa Santo Papa dahil sa kanyang pag-puna sa digmaan sa Iran.

Binigyang-diin din ni Mullally ang matinding epekto ng digmaan sa mga sibilyan, kabilang ang pagkasawi ng mga inosente, pagkawasak ng mga pamilya, at pagkawala ng kinabukasan ng marami.

Samantala, nauna nang kinondena ni Pope Leo XIV ang mga lider na gumagastos ng bilyon-bilyong dolyar para sa digmaan, at sinabing nilalapastangan ng iilang makapangyarihang lider ang mundo.

-- ADVERTISEMENT --

Pinuna rin ng Pope ang paggamit ng relihiyon bilang katwiran sa marahas na labanan.

Sa kabilang panig, una nang tinawag ni Trump si Pope Leo na “Weak on Crime,” at “Terrible for Foreign Policy” sa isang social media post.