Umaapela ang Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) sa pamahalaan na magdeklara ng national climate emergency kasabay ng lumalalang epekto ng tagtuyot.Balitang Pilipinas
Ayon kay PMCJ senior campaign officer Laica Rayel, matindi na ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa kakulangan ng tubig at mataas na gastos sa produksyon bunsod ng oil crisis.
Giit niya, hindi sapat na ayuda lamang ang solusyon at kailangan ng mas malawak at pangmatagalang tugon laban sa climate crisis.
Kabilang dito ang pagpapatupad ng science-based climate action plans at pagtalikod sa paggamit ng fossil fuel.
Batay sa ulat ng state weather bureau, aabot na sa 15 probinsya sa Luzon ang nakararanas ng matinding tagtuyot. Isinailalim na rin sa state of calamity ang mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Ang panawagan ay naglalayong bigyang-diin na ang tunay na tagumpay laban sa climate crisis ay nakasalalay sa maagap at kolektibong pagkilos ng pamahalaan at mamamayan.











