-- ADVERTISEMENT --

Panibagong warrant of arrest ang inilabas ng San Pablo Regional Trial Court sa Laguna laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at limang iba pa.

Ang warrant of arrest na mula sa RTC Branch 29 ay inilabas ni Judge Luvina Roque dahil sa kasong kidnapping with serious illegal detention na may kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero.

Kasama sa listahan sina warrant sina Ryan Jay Orapa, Alfredo Uy Andes, Philip Almedilla, Joey Encarnacion at Aaron Ezrah Cabillan.

Ang nasabing mga mga kaso ay walang inilaan na anumang piyansa.


Magugunitang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad si Ang kung saan mayroong itong patong sa ulo na P10 milyon para sa agarang paghahanap sa kaniya.

-- ADVERTISEMENT --