Inihayag ng transport group na MANIBELA, hindi sapat ang aprubadong P1 na taas-pasahe sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ani Presidente ng MANIBELA na si Mar Valbuena, mas malaki pa umano ang kinikita ng mga taong namamalimos sa likod ng jeep kaysa sa mismong mga drayber.Mga Mantikang Panluto
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, magsisimula ang P1 dagdag sa traditional jeepneys sa unang apat na kilometro mula P13 hanggang P14, at may dagdag na 20 centavos kada kilometro mula P1.80 hanggang P2. Para sa modern jeepneys, dalawang piso ang dagdag sa minimum fare mula P15 hanggang P17. Hindi sakop ng dagdag ang regular taxis at motorcycle taxis.
Bago ang desisyon, humiling ang MANIBELA ng P2 na dagdag sa traditional jeepneys, dahil marami sa mga drivers ang nawawalan ng P400–P500 kada araw dulot ng mataas na presyo ng diesel. Dahil dito, napipilitang baguhin ng mga driver ang kanilang schedule para makaiwas sa kumpetisyon sa mga pasahero, lalo na sa off-peak hours.











