-- ADVERTISEMENT --

Magde-deploy ng medical team na may 30 miyembro at mga ambulansiya sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa July 27.

Ito ang nabatid kay Dr. Jose Luis Bautista, hepe ng House Medical and Dental Service (MDS), kaugnay ng kanilang ginagawang paghahanda sa ika-5 SONA ng Pangulo.

Sinabi ng opisyales na ang mga medical personnels ay idedeploy sa loob ng main building partikular na sa session hall kung saan isasagawa ang SONA ng Pangulo at maging sa paligid ng Batasan Pambansa complex.

Ang mga medical personnels ay mula umano sa St. Luke’s Medical Center, Diliman Doctors Hospital, Philippine Heart Center at East Avenue Medical Center para sa emergency response sa SONA.

Bukod dito, may standby para sa karagdagang responders aniya mula sa Department of Health (DOH), local government units (LGUs), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police PNP) at ibang ahensya ng gobyerno sa laban ng Batasan Pambansa Complex kapag kailangan para sa emergency operations.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng opisyal na may mga nakareserbang silid para sa emergency cases sa mga pagamutan tulad ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City at mga kalapit na ospital kung kinakailangan