-- ADVERTISEMENT --

Kumitil ng siyam na katao ang marahas na mass shooting sa isang paaralan sa British Columbia sa Canada nitong Martes, Pebrero 10, local time.

Kinumpirma ng Royal Canadian Mounted Police na siyam ang biktima sa pamamaril habang ang suspek na gunman ay natagpuan ding wala nang buhay at pinaniniwalaang “self-inficted” ang natamong injury. Base sa report, inilarawan sa inisyung alert na ang suspek ay isang babae na naka-dress at kulay brown ang buhok.

Anim na labi ng mga biktima ang natagpuan sa loob ng Tumbler Ridge Secondary School, dalawa pa ang narekober malapit sa isang residential property at isa ang binawian ng buhay habang dinadala sa pagamutan.

Kasunod ng krimen, isinara na ang Tumbler Ridge Secondary School at Tumbler Ridge Elementary School para sa buong Linggo.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay si British of Columbia premier David Eby sa pamilyang naulila ng mga biktima sa malagim na trahediya at tiniyak ang suporta para sa mga apektadong komunidad.

-- ADVERTISEMENT --