-- ADVERTISEMENT --

Sumampa na sa 159,197 pamilya o katumbas ng mahigit 600,000 indibidwal ang naapektuhan na ng pinagsamang epekto ng habagat, nagdaang bagyong Mirasol at Super Typhoon Nando.

Base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Setyembre 24, ang mga sinalanta ng kalamidad ay mula sa 11 rehiyon kabilang na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bunsod nito, aabot sa mahigit 8,000 pamilya ang inilikas patungo sa mga evacuation centers habang mahigit 4,000 pamilya naman ang nasa ibang lugar.

Ayon sa ahensiya, mayroong apat na napaulat na nasawi bunsod ng epekto ng mga kalamidad subalit kasalukuyan pang biniberipika ang mga ito.

Nasa dalawa sa mga napaulat na nasawi ay sa Central Luzon, isa sa Cagayan Valley at isa sa Cordillera.

-- ADVERTISEMENT --

Isinasailalim din sa validation ang napaulat na 11 nasugatan at isang nawawala.