-- ADVERTISEMENT --

Namataang lumabas ng bansa sina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano matapos makita sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 nitong Setyembre 9 ng hapon.

Nakita si Senador Alan Peter Cayetano na papasok sa Gate 109 ng Terminal 3, kung saan makikita rin sa flight monitor ang Singapore Airlines Flight SQ921.

Ilang pasahero rin umano ang nakipagpa-picture sa senador bago ito pumasok sa boarding gate, habang ipinapakita sa monitor ang final call para sa mga pasaherong sasakay sa naturang flight.

Samantala, hindi nakita sa larawan si Senadora Pia Cayetano ngunit namataan umano siya ng mga airport personnel sa check-in counter ng Terminal 3.

Ayon sa airport authorities, wala umanong dahilan upang pigilan ang pag-alis ng magkapatid dahil wala silang kasalukuyang kinakaharap na kaso o warrant na maaaring maging basehan para sila ay harangin sa pagbiyahe.

-- ADVERTISEMENT --