-- ADVERTISEMENT --
Nakatanggap ng standing ovation si Jessica Sanchez sa final performances niya sa America’s Got Talent Season 20 Finale.
Kinanta ng Filipino-American singer ang “Die With A Smile” ni Lady Gaga at Bruno Mars.
Isa si Sanchez sa 10 mga contestants na kasali sa finals.
Sinabi ni Sanchez na malaking hamon sa kaniya ang pagkanta sa finale lalo na at nasa siyam na buwan na itong buntis.
Dagdag pa nito na nararamdaman niya ang paggalaw ng dinadala nitong sanggol na babae habang kumakanta.
-- ADVERTISEMENT --
Itinuturing naman ng asawa ng singer na si Rickie Gallardo na panalo na ito dahil sa pagkanta nito.
Malalaman sa araw ng Sabado ang mananalo kung saan idadaan ito sa botohan sa mga viewers.