-- ADVERTISEMENT --

Muling nagningning ang Filipino music scene sa international stage matapos gawaran ang P-Pop girl group na BINI ng Global Force Award sa Billboard Women in Music na ginanap sa Hollywood Palladium sa Los Angeles.

Ang parangal ay iginawad ng English model at aktres na si Cara Delevingne sa harap ng iba pang kilalang mang-aawit at producers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kabilang sa iba pang pinarangalan sa event ang The Beaches (Global Force), Zara Larsson (Breakthrough), Mariah The Scientist (Rising Star), Tate McRae (Hitmaker), Ella Langley (Powerhouse), Laufey (Innovator), Kehlani (Impact), Thalía (Icon), at Teyana Taylor (Visionary).

Sa kanilang acceptance speech, sinabi ng BINI ang pasasalamat sa Billboard at inialay ang parangal hindi lamang sa kanilang fans kundi pati sa mga Pilipinong mang-aawit.

“This is not just a milestone for us but also a responsibility we carry with so much pride,” ayon sa miyembrong si Colet.

-- ADVERTISEMENT --

Ibinahagi rin ni Jhoanna ang kanilang pasasalamat sa fans na BLOOMs at sa suporta ng Billboard Philippines sa OPM.

“Shoutout sa lahat ng OPM artists. Proud kami na Pilipino kami,” aniya.

Bago ang naturang parangal, matagumpay din ang Coachella debut ng grupo at nakatakda silang magtungo sa kanilang world tour sa huling bahagi ng taon, na magsisimula sa Pilipinas.