Pabirong pinasinungalingan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang kumakalat na balita na umano’y patay na siya.
Sa isang video na ibinahagi, makikitang tumatanggap siya ng mainit na kape sa isang café malapit sa Jerusalem at pabirong nagsabi ng “patay ako sa kape,” isang ekspresyong nangangahulugang labis niyang gusto ang isang bagay.
Itinaas din niya ang kanyang kamay at tinanong kung nais bang bilangin ng mga tao ang kanyang mga daliri, bilang tugon sa mga espekulasyon online na AI-generated umano ang kanyang huling televised address dahil tila anim ang daliri niya sa video.
Kasabay nito, hinikayat ni Netanyahu ang mga Israeli na sundin ang safety instructions sa gitna ng banta ng rocket attacks, habang iginiit na patuloy ang matinding pag-atake ng Israel laban sa Iran at Lebanon.
Samantala, nagbanta ang Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran na tutugisin at papatayin si Netanyahu, ayon sa ulat ng Islamic Republic News Agency.











