-- ADVERTISEMENT --

Hindi naman nagpahuli ang ilang mga sports personalities sa bansa na nakibahagi sa ginanap na “Trillion Peso March” ngayong Setyembre 21.

Kasamang nag-martsa sa EDSA si dating Gilas Pilipinas coach at TNT coach Chot Reyes.

Kasama nito ang kaniyang pamilya kung saan nakasuot ito ng kulay puti at itim na damit.

Nakibahagi rin ang basketbolistang si JC Intal kasama ang asawang TV host na si Bianca Gonzales na nakihalobilo sa alon ng mga tao sa EDSA Shrine.

Humalo rin sa mga tao si San Miguel Beermen guard Juami Tiongson kung saan hindi inalintana ang dami ng mga tao sa Maynila.

-- ADVERTISEMENT --

Nakiabahagi rin sa protesta si MPBL star Gab Banal kung saan sa kaniyang social media account ay ibinahagi ang larawan habang ito ay nasa People Power Monument.

Habang ang ilang mga sports personalities ay idinaan na lamang nila ang protesta sa pag-post sa kanilang social media account gaya nina Doug Kramer at asawang si Chesca maging si Mapua Most Valueble Player Clint Escamis ay nagpost din ito ng larawan sa social media na kinokondina ang nagaganap na kurapsyon sa bansa.